Back

Draculan vs. Donato

Provincial Fiscal JOSEFINO C. DRACULAN and 4th Assistant Provincial Fiscal PATRICIO T. DURIAN, mga humihiling, vs. HON. PROCORO J. DONATO, District Judge, Court of First Instance of Isabela and JAIME GUMPAL, mga pinanagot.

G.R. No. L-46027 | 1978-09-15

K A P A S I Y A H A N

BARREDO, J:

Kahilingan ng mga tagausig na Piskal Provinsial at Pangapat na Katulong na Piskal ng Lalawigan ng Isabela na pawalan ng bisa ang kautusan na may petsang Marso 25, 1976 ni Hukom Procoro J. Donato ng Hukumang Unang Dulugan ang nasabing lalawigan na nagpasiya na hindi maaaring tanggapin bilang katibayan (evidence) laban sa isang nasasakdal na nagngangalang Jaime Gumpal sa kasalanang asesinato (sadyang pagpatay ng tao) ang salaysay (statement) nito na nilagdaan sa harap ni Constable Jaime Senin, isang tagapagsiyasat ng Philippine Constabulary, at naglalaman ng pag-amin ng kasalanang ipinaparatang sa kaniya....