Back

Manuel Luis Sanchez Vs. Mapalad Realty Corporation

MANUEL LUIS SANCHEZ, Petitioner, versus MAPALAD REALTY CORPORATION, Respondent.

G.R. No. 148516 | 2007-12-27

D E C I S I O N


REYES, J.:


KAPAG ang isang kasunduan ng bilihan ay may kaakibat na pandaraya at napatunayang huwad, ang bumili ay walang nakamit na titulo ng pag-aari. Ang bentahan ng apat na parsela ng mamahaling lupa sa Roxas Boulevard na isinuko ng dating kasamahan ng Pangulong Marcos sa pamahalaang Aquino ay nagtataglay ng mga palatandaan ng isang malakihang pandaraya na isinagawa mismo ng mga taong hinirang ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang pangalagaan ang pag-aari ng isang na-sequester na kumpanya.

Ang mga ito ay dapat ibalik sa pamahalaan hanggang di pa tiyak ang tunay na may-ari. Hindi kanais-nais na...