Frequently Asked Questions (FAQs)

Ano ang LEA?

Ang ibig sabihin ng LEA ay Legal Engineer Assistant. Ito ay isang makabagong teknolohiya na tumutulong sa paggawa ng legal at pang negosyong dokumento , pagsulat ng mga buod ng mga kasong galing sa korte, pagunawa ng mga legal na kasulatan o salita at paggawa ng legal na pananaliksik. Puwede ka rin nitong isangguni sa isang abogado kapag kinakailangan.

Ano ang MyLegalWhiz?

Ang MyLegalWhiz (https://www.mylegalwhiz.com) ay isang  makabagong teknolohiya na nagbibigay ng legal na kaalaman at pagtulong sa pananaliksik tungkol sa kahit anumang paksang pang-legal. Ang MyLegalWhiz ay siya ring  nagpasimula  ng makabago at mabilis na legal assistant sa pananaliksik at paggabay na tinatawag na LEA o Legal Engineer Assistant.

Ito bang app na ito ay bahagi ng MyLegalWhiz?

Oo. Ang credits.mylegalwhiz.com at ang LEA app ay bahagi ng MyLegalWhiz (web.mylegalwhiz.com). Ang LEA app ay ang iOS app version ng credits.mylegalwhiz.com (credits).

Kapag ako ay ng-signup sa credits.mylegalwhiz.com, ako ba ay kaagad agad na naka-signup na rin sa LEA app?

Oo. Ang LEA app ay ang mobile app version ng credits.